(2007.4.1 Update)

Pagpaparehistro ng Patay (SHIBO-TODOKE)

  • Panahon- Sa loob ng 7 araw mula ng namatay
  • Lugar-Tirahan ng namatay, kung saan ito namatay, o kung saan nakatira ang nag aasikaso.
  • Sa Chino City
  • Kung gusto ninyong ipasunog ang namatay, kailangan magpa schedule sa Civic Affairs Division (Shimin-ka) sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono.

    Ang permiso sa pagsunog ng patay ay kailangan. Ibigay ang papel na rehistrado at kunin ang permiso ng pagsunog.

    Kung ang namatay ay nakarehistro sa Chino,Suwa,Fujimi o Hara, ang bayad sa pagsunog sa Seika-en ay \5000yen. Kung ang namatay ay nakarehistro sa ibang lugar. Magtanong sa Civic Affairs Division (Shimin-ka) #2 (ext.252) sa ibang detalye

Ang pamamaraan ng Pagpaparehistro ng patay sa Chino City Hall

  • Ibigay ang Death Registration sa Civic Affairs Division (Shimin-ka)#2 (ext.252)
  • Mga dokumentong kailangan sa pagrerehistro ng patay
  • Form sa pagrerehistro ng patay

    Death certificate na may lagda ng doctor sa oras ng pagkamatay

    Unofficial personal seal o lagda ng nag-aasikaso

    Pasaporte ng namatay at ng nag-aasikaso

    Foreign Resident Registration ng namatay at ng nag-aasikaso

Ibang pamamaraan ng pagrerehistro ng patay

  • Kung ang namatay ay miyembro ng National Health Insurance Plan: Health Division (Hoken-ka) #8 (ext.323)
  • Ang National Health Insurance Plan ay maybibigay ng 50,000yen para sa allowance ng pagpapalibing ng patay. Pakitingnan ang account sa banko ng Insurance Division ng patay.

  • Kung ang namatay ay miyembro ng ibang Health Insurance Plan, magtanong sa opisina nito.
  • kung ibabalik ang certificate sa Medical Care para sa matatanda : Health Division (Hoken-ka) #9(ext.334)
  • Kung ang namatay ay miyembro ng National Plan o siya ang dapat tumanggap ng National Pension: Civic Affairs Division (Shimin-ka)#2(ext.252)
  • Kung ang namatay ay dapat tatanggap ng Disability Pension Plan,Bereaved Family Pension Plan o Widow’s Pension Plan: Civic Affairs Division (Shimin-ka) #2(ext.252)
  • Kung ang namatay ay ang taong dapat tumanggap ng bayad na pension galing sa National Pension Plan o Employee’s Pension Plan o miyembro ng Employee’s Pension Plan,dapat magtanong sa Social Insurance Office sa Okaya para sa ibang detalye.
  • Okaya Social Insurance Office (Okaya Shakai hoken-jimusho)

    〒391-8865 Okaya-shi Chuou-cho 1-8-7

    Telepono- 0266-23-3663


  • Kung ang namatay ay miyembro o dapat tumanggap ng Mutual Aid Pension ,magtanong sa Mutual Aid Associations.
  • Ireport ang pagkamatay sa kinauukulan Administrative office ng inyong bansa. Magtanong sa Embassy o Consulate ng inyong bansa saiba pang mga detalye.

Chino City Hall

Telepono

0266-72-2101

Fax

0266-72-9040