(2011.8.1 Update)
Pagpaparehistro ng pagpapawalang bisa ng kasal (RIKON-TODOKE)
- Para sa Japanese at taga ibang bansa
- Kung pareho kayong taga ibang bansa, magtanong sa Embassy o consulate ng Japan para sa ibang detalye.
Pagpapawalang bisa ng kasal sa Japan: ayon sa batas ng Japan, ibigay ang irerehistrong pagpapawalang bisa ng kasal
Pagpapawalang bisa ng kasal sa ibang bansa, magtanong sa Japanese Embassy o Consulate dito sa Japan
Pamamaraan ng pagpaparehistro ng pagpapawalang bisa ng kasal sa Chino City Hall
- Ibigay ang iyong irerehistrong pagpapawalang bisa ng kasal sa Civic Affairs Division (Shimin-ka) #2 (ext.252)
- Mga dokumento na kailangan sa pagpapawalang bisa ng kasal
Papel ng pagpapawalang bisa ng kasal na may pirma ng 2 tao na nagpapatunay na kayo ay maghihiwalay.
Pension Book (Nenkin-techo)
Health Insurance Certificate
Ibang pamamaraan ng pagpaparehistro ng pagpapawalang bisa ng kasal
- Pagpapalit ng tirahan sa Foreign Resident Registration: Civic Affairs Division (Shimin-ka) #3 (ext.252)
- Kung kayo ay nasasakop ng National Pension Plan: Civic Affairs Division (Shimin-ka) #5 (ext.256)
- Kung kayo ay nasasakop ng National Health Insurance Plan: Health Division (Hoken-ka) #8 (ext.323)
- Kung kayo ay may anak na nasa siyudad ng preschool: Children & Family Welfare Support Division (Kodomo-katei-shien-ka) #14 (ext. 312).
- Kung mag aaply sa programa ng Single Parent Child Care Allowance: Children & Family Support Center (Kodomo-katei-ooen Center) #13 (ext.306)
- Kung mag aaply sa Welfare Medical Fee Aid Plan: Health Division (Hoken-ka) #8 (ext.323)
- Kailangan isangguni ang inyong pagwawalang bisa ng kasal sa kinauukulan Administrative office ng inyong bansa.Magtanong sa Embassy o Consulate ng inyong bansa para sa ibang kaalaman.
- Kailangan isangguni ang inyong pagwawalang bisa ng kasal sa Immigration Office at palitan ang inyong resident status.
Isangguni agad kung may pagbabago ang inyong pamilya.May pagbabago din sa Pagbabayad ng preschool.
Kung kinakailangan ninyong baguhin ang inyong libreta ng banko sa pagbabayad ng preschool ng inyong anak, dalhin ang inyong libreta at registered seal (HANKO) kung saan ninyong gustong magbayad.
PAALALA.....
Kung ang inyong asawa ay hapon...
Hindi siya puwedeng magbigay ng pagpapawalang bisa ng kasal kung siya ay mag-isang pupunta sa City Hall.
Sa Filipino...
Puwedeng magbigay ng pagpapawalang bisa ng kasal kahit na siya ay mag-isang pupunta sa City Hall.
