(2011.8.1 Update)

Pagpaparehistro ng kapanganakan (SHUSSYO-TODOKE)
(Para sa mga batang ipinanganak sa Japan)

  • Panahon: 14 na araw mula sa araw ng kapanganakan.
  • Ang aplikante: Ang ama o ina ng bata
  • Lugar: Sa Siyudad/ lungsod/ bayan kung saan nakatira ang ama o ina (kung hindi kasal, kung saan nakatira ang ina )o kung saan ipinanganak ang bata.

Pamamaraan ng pagpaparehistro ng kapanganakan sa Chino City Hall

  • Dalhin ang pagpapatala ng rehistro ng kapanganakan ng inyong anak saCivic Affairs Division (Shimin-ka) #2 (ext.252)
  • Dokumento na kailangan sa pagpaparehistro ng kapanganakan
  • Form sa pagpaparehistro ng kapanganakan (mayroon sa Siyudad/lungsod/ bayan o hospital)

    Certificate ng kapanganakan na nagpapatunay na doctor o midwife na nagpa-anak sa inyo

    Manwal para sa kalusugan ng ina at ng bata BOSHI-TECHO

    Insurance certificate

    Pasaporte ng magulang ng bata

    Certificate of Foreign Resident Registration

Ang iba pang pamamaraan sa pagrerehistro ng kapanganakan sa Chino City Hall

  • Patalastas sa diyaryo o telebisyon na libre
  • Kung gusto ninyo, ang kapanganakan ng inyong anak ay maisusulat sa Shimin Shinbun o Nagano Nippo puwede rin sa LCV tele-text broadcasting

  • Application para sa programa sa Child allowance sa Civic Affairs Division (Shimin-ka) #4 (ext.256)
  • Ang Child Allowance ay para sa miyembro ng pamilya na nagpapalaki ng bata na nasa elementaryGrade 4 pababa na may suweldo na mas mababa sa inaakalang suweldo.Para makakuha ng allowance, kailangan mag apply sa programa.

    Mag apply sa programa sa loob ng 15 araw pagkatapos ninyong manganak

    5000-10000yen isang buwan depende sa bilang na pinapag-aral na bata

  • Gabay tungkol sa sistema sa Child Medication,Check-up sa kalusugan, Araw ng pababakuna sa Health Division (Hoken-ka) #8 (ext.#323)
  • Ang sistema ng Child Medication ay sumusuporta sa gastos ng medical para sa inyong anak bago ito mag aral

    Ang check-up ng kalusugan ay puwede kung ang inyong anak ay 4 na buwan,10 buwan, 18 buwan at 3 taong gulang

    Ang check-up ng ngipin ay puwede kung ang inyong anak ay 2 taong gulang

    Ang notebook o manwal sa pagbabakuna ay ibibigay sa inyo

  • Application sa panganganak sa Health Division (Hoken-ka) #8 (ext.323)
  • Ang allowance ay puwede sa sinumang miyembro ng National Health Insurance

    Sa sinumang miyembro ng ibang Health Insurance, siguraduhin at itanong sa inyong kompanya (Kung kayo ay nanganak sa loob ng 6 na buwan bago kayo huminto sa inyong kompanya,makakakuha kayo ng allowance, kung hindi kayo makakatanggap sa National Health Insurance)

    ang allowance ay 350,000yen


  • Kung ang inyong anak ay ipinanganak sa ibang bansa, kontakin ang ResidentRegistration Division.
  • Isangguni ang panganganak ninyo sa nararapat na administration office sa inyong bansa.
  • Mag apply para sa Child Resident Status sa loob ng 30 araw mula ng manganak at sumangguni sa Immigration

Chino City Hall

Telepono

0266-72-2101

Fax

0266-72-9040