(2011.8.1 Update)
Public Employment Security Office (HELLO WORK)
Kung maghahanap kayo ng trabaho magpunta kayo sa “HELLO WORK”office.
Office start: 9:00a.m. ~ 1 : 00p.m., 1: 00p.m. ~ 4 : 00p.m.
(Close at Saturday, Sunday and official Holiday)
Hello Work Suwa
Address: Suwa-shi Kamigawa 3-2503-1
Tel: 0266-58-8609
Hello Work Chino
Chino-shi Sogo Fukushi Center 2 F
Address: Chino-shi Tsukahara 2-Chome 5-45
Tel: 0266-72-2029
PARA SA MGA BANYAGA NA GUSTONG MAGHANAP NG TRABAHO SA JAPAN
Kung kayo ay maghahanap ng trabaho, kontakin ang “Public Employment Security Offices” (PESO).
Ang Public Employment Security Office (na tawag ay PESO) ay ang magbibigay o gumagawa ng paraan para sa trabaho na kailangan nila, katulad ng pagbabasa o training bago magtrabaho, maghahatid ng impormasyon tungkol sa trabaho , katulad din sa mga Japanese.
PAANO MAGHANAP NG TRABAHO SA PESO (Public Employment Security Offices)
WKapag nagpunta sa Peso para maghanap ng trabaho sa unang pagkakataon, magparehistro sa “reception”. Punan ang “application form” para magrehistro. Ang form ay gagamitin ng PESO upang magbigay ng payo ukol sa trabaho at magbigay kaalaman sa mga posibleng trabaho para sa inyo, siguraduhing kumpleto at tama ang mga naisulat. Kapag may tanong sa pagpunan ng aplikasyon, huwag mag atubiling magtanong sa staff.
Base sa impormasyong ibinigay, ang staff ay magdidiskusyo sa inyong kinabukasang kurso ng pagpasok sa trabaho, kinokonsidera ang mga bagay katulad ng inyong ninanais na trabaho, mga kondisyon sa trabaho atbp. Pagkatapos magrehistro , bibigyan ka ng “PESO card”. Sa pagpapakita ng inyong card sa inyong palagiang pagbisita , makakatanggap ka ng serbisyo ukol sa pagpasok sa trabaho sa kahit saang PESO sa Japan.Kinokonsidera rin ang inyong abilidad (kahit anong katanggapan o lisensiyang mayroon ka, inyong propesyonal na karanasan, atbp.) at ang tamang kalagayan sa kahit anong posisyong ibigay, Ang PESO staff ay tutulong sa inyo upang magkaroon ng muling pagpapasok sa trabaho sa pamamagitan ng serbisyong ipinagkaloob.
Sa paghahanap ng posisyon na tama para sa inyong, ang staff ay gagawa ng kaayusan para sa inyo upang magpunta para sa isang interbyu o pagsusulit kasama ang pagtatanong ng employer. Ang pagkakataon ay maaaring hindi ibigay sa dahilang ang enterprise ay may nakuha ng ibang magtatrabaho.
Ang staff ay kailangan makumpirma na ikaw ay maaaring magtrabaho sa Japan, kailangan mong dalhin ang inyong Certificate of Alien Registration at ang inyong pasaporte kapag nagrerehistro sa PESO. Paunawang huwag kalimutan ang dalawang dokumento.
Kapag naayos na ang araw ng interbyu, bibigyan ka ng “Letter of introduction” ng PESO. Tingnan maigi ang araw, oras at lugar ng interbyu sa sulat. Ang ibang employers ay maaaring pagdalhin ka ng iba pang materyales sa interbyu (katulad ng inyong resume) Magtanong lamang sa staff at ikumpirma kung anong (kung mayroon) karagdagang dokumento na kakailanganin ihanda bago ang araw ng inyong interbyu.
