(2011.8.1 Update)

Sistema ng Medical Insurance

Ang Medical Insurance ay isang Mutual Aid System na binabayaran ng lahat para makatulong sa pagbabayad sa kanilang pagpapagamot. Ang pagbabayad nito ay depende sa kanilang suweldo.

 

Health Insurance Plan (Kenko-hoken)

Mga taong nagtatrabaho sa Kompanya

Ang kompanya ang mag-aasikaso kung paano ang pagsali at pagbabayad nito. Ang insurance fee ay ibabawas sa inyong suweldo

National Health Insurance (Kokumin-kenko-hoken)

Ang puwedeng sumali:

Kung kayo ay nakarehistrong Foreign Resident

Kailangan na mahigit 1 taon kayo sa Japan

Mga detalye

  • Kung kayo ay magpapagamot ang Insurance ang magbabayad ng 70% at ang babayaran lang ninyo ay 30%.
  • Kung kayo ay nakapagbayad sa isang Medical Institution ng higit sa dapat lamang ninyong bayaran sa isang buwan, ito ay babalik sa inyo kung kayo ay magrerequest.
  • Kung kayo ay nagdadalantao at nanganak sa 4 na buwan o higit pa, ang babayaran (350,000 yen) ay babalik sa inyo kung kayo ay magsasabi.
  • Kung kayo ay pupunta sa Medical Institution, ipakita ang inyong National Health Insurance Certificate.
  • Ang bayad sa pagpapa check- up,pagbabakuna, cosmetic surgery, orthodontic treatment, at normal na panganganak, at pagpapagamot dahil sa hindi inaasahan aksidente sa trabaho at sakit ay hindi pananagutan ng National Health Insurance.
  • Puwedeng paki report lamang sa Insurance Health Plan (Hoken-ka)
  1. Kung kayo ay sasali sa ibang health insurance plan o kung kayo ay hihinto na sa National Health Insurance Plan.
  2. Kung kayo ay titira o aalis na sa Chino City.
  3. Kung kayo ay manganganak
  4. Kung isa sa miyembro ng pamilya ay namatay
  5. Kung ang inyong pangalan, tirahan o asawa ay nagbago
  6. kung kayo ay 70 taon gulang na.
  7. Kung nawala ang inyong National Health Insurance certificate.

Bayad sa Insurance

Ang babayaran ay base depende sa bilang ng miyembro ng pamilya na gumagamit ng plano at bawat suweldo ng miyembro ng pamilya na gumagamit ng plano sa mga nakaraang taon (Enero- Disyembre)

Kung hindi kayo nagbayad ng resident tax sa Japan, ang inyong bayad sa insurance ay base sa bawat capital at household basis.

Magbayad ng insurance sa Chino City Hall, banko o post office.

Kontakin:

Tax Division (Zeimu-ka Shuzei-gakari) Tel: 0266-72-2101 (ext.179)

 

Application: Health Division (Hoken-ka), Chino City Hall

Ibigay sa: Foreign Registration Certificate (Gaikokujin-toroku-shomeisho) Kung ang natitirang panahon ng inyong resident status ay kulang na sa taon, kailangan ipakita ninyo ang dokumento na katibayan na kayo ay mananatili na higit isang taon sa Japan.

Kontakin:

Health Division (Hoken-ka) Tel: 0266-72-2101 (ext. 322 at 323)


Chino City Hall

Telepono

0266-72-2101

Fax

0266-72-9040