(2007.4.1 Update)

Lisensiya sa pagmamaneho

Para sa mga Pilipinong nagmamaneho ng Sasakyan dito sa Japan

A. Puwedeng gumamit ng International License

Simula noong Hunyo 1, 2002 ang International license ay puwedeng gamitin at may bisa lamang ng isang taon kung kayo ay nagtagal ng tatlong buong buwan (hindi paputol-putol) sa Pilipinas.

B. Pagkuha ng Japanese license base sa inyong Philippine driver license

Mga kailangan:

1)Kabuuan ng 90 araw o higit pa (3 buwan) na pagtigil sa Pilipinas.

2)Philippine license Official receipt, LTO certification, Malacanang Authentication, Department of Foreign Affairs Authentication(Ang pagkuha nito ay may paliwanag sa ibaba).

3)Foreign registration certificate

4)Picture (3cm x 2.4 for identification)

5)Pasaporte

6)Ipa translate ang ibang dokumento sa JAF (Japan Automobile Federation)

7)Tumawag para sa ibang impormasyon:

Chu Nanshin Kotsu Anzen Center (Chu Nanshin Traffic Safety Center)

Telepono: 0263-53-6611

C. Kung hindi puwede ang inyong Philippine license na palitan ng Japanese license, mag-aral o mag enroll sa Driving school dito sa Japan.

Mga kailangan:

1)Pasaporte o Alien card

2)Enrollment fee higit kumulang 300,000 yen

Paalala: Mag-ingat sa pagmamaneho at sumunod sa batas ng pagmamaneho dito sa Japan.

Ang Pagkuha ng LTO Certification, Malacanang Authentication, Department of Foreign Affairs Authentication ay ang mga ibang kailangan para sa pagkuha ng Japanese license. Ang tatlong dokumento ay kailangan ipasa sa Philippine embassy sa Japan na may kasamang:

  • Kopya ng DFA authentification certificate (Ang tatlong dokumento)
  • Kopya ng Philippine passport
  • Kopya ng Philippine driver’s license
  • Bayad sa certification 5,250 yen
  • Hindi nagta translate ang Embassy ng English sa Japanese, magpatranslate sa ibang kakilala o pribadong translator, Kung kayo ay malayo sa Tokyo Embassy ipasa ang inyong mga dokumento sa pamamagitan ng pagpapadala ng sulat na nakasulat ang inyong address stamped envelope (na may selyong 1000 yen). Ipadala rin ang inyong bayad (cash) at kailangan na ipadala sa envelop (GENKIN FUTO) magtanong sa post office na inyong huhulugan:

    Embassy of the Philippines Notarial Section

    5-15-5 Roppongi, Minato-ku Tokyo 106-8537 Tel: (03)5562-1600 ext. 159

    Ipadala sa tamang address.

    Ang pag process para sa Japanese license:

    Reservation (araw,oras) →Check required documents →Aptitude test (sa eye sight atbp.) →Knowledge of road rules test →Practical Driving test (sa loob ng driving school) →Pass (Issue of license)

    Ang application ay kailangan gawa sa:

    Driver’s License Center kung saan nakatira ang aplikante.

    Sa mga ibang katanungan pls. Contact:
    Cyunansin Kotsuanzen Center (Shiojiri City) Tel: 0263-53-6611

    Map

    Sa hindi marunong mag Japanese, Magsama kayo ng taga pagtranslate ng Nihongo para sa inyo. Application for Japanese translation ay dapat gawa sa: Foreing Consulates at embassies sa Japan JAF (Japan Automobile Federation) centers across JAPAN.


    Chino City Hall

    Telepono

    0266-72-2101

    Fax

    0266-72-9040