(2011.8.1 Update)
Edukasyon para sa mga bata
Ang edukasyon sa Japan ay 6 na taon sa elementary, 3 taon sa Junior high school, 3 taon sa high school at 4 o 2 taon sa unibersidad o kolehiyo. Kailangan at obligasyon na pumasok ng elementary at Junior high school ang inyong anak. Mayroon din sa ibang lugar na pribadong kindergarten bago pumasok ng elementary.
Elementary at Junior high school (Obligasyon na mag-aral)
1) Puwedeng makapasok kung kayo ay nakarehistrong foreign resident
2) Patakaran:Tuwing taon ay nagsisimula ng Abril at natatapos ng Marso. Karamihan sa eskuwelahan ay may 3 semester sa isang taon at 3 beses na bakasyon sa pagitan ng semester.
3) Detalye
Elementary-6 na taon gulang ng Abril 1
Junior high school-12 taon gulang ng Abril 1
Pumunta sa School Education Division (Gakko-kyoiku-ka) sa Chino City Hall na may dalang child’s Foreign Registration Certificate (Gaikokujin-toroku-shomeisho) at mag-apply na makapasok sa eskuwelahan. Base sa application, Ang School Education Division ang mag magsasabi ng eskuwelahan para sa mga bata.
Ang bayad sa pagpasok, bayad sa eskuwelahan at mga textbooks ay libre. Halaga ng tanghalian sa eskuwelahan at mga bagay na kailangan sa pag-aaral ay babayaran ng bawat isa. Sasabihan kayo na mag bukas ng libreta sa banko at doon kukunin ang bayad sa hinuhulugan ninyong banko.
Pagbibisita sa bahay-sa Abril o Mayo, ang guro ay bibisita sa inyong bahay para pag-uusapan ang mga bagay-bagay tungkol sa inyong anak. Mayroon din school picnic, sports, pagbisita sa classroom ng inyong anak at school field trip (Sa grade 6 ng elementary at grade 3 ng junior high school).
Kontakin:
School Education Division, Chino City Hall 0266-72-2101 ext. #602
High School (hindi compulsory)
1)Puwedeng makapasok kung kayo ay naka rehistro na foreign resident.
2)Puwedeng mamili: Mayroon prefectural at pribadong high school. May mga kursong depende sa eskuwelahan. Sa mga nagtatrabaho sa umaga, puwede kayong pumasok at mag-aral sa gabi. Ang pagsusulit o entrance examination ay Japanese.
3)Mga gastos: Ang bayad sa pagpasok, bayad sa eskuwelahan, textbooks at mga bagay na gamit sa pag-aaral ay babayaran ng bawat isa. Reserve fund para sa school field trip o cultural events at iba pang gastos ay babayaran ng bawat isa. Para sa mga magulang na hindi kayang tustusan ng panggastos ang pag-aaral ng anak ay mayroon exemption program o puwedeng makasali sa scholarship program.
Kontakin
Prefectural high schools:
Bawat high school o Senior High School Division (Koko-kyoiku-ka)
Nagano Prefectural Office: 0262-35-7430
Pribadong high schools:
Bawat high school o Promotion Office for Private School Education (Shigaku-kyoiku –ka)
NNagano Prefectural Office 0262-35-7058
