(2011.8.1 Update)

Lindo (JISHIN)

Hindi natin alam kung kailan lilindol, kaya kailangan tayong laging handa sa mangyayari at emergency.

Ang malakas na lindol ay tumatagal ng 1~2 minuto.

Kaya dapat isipin:

  1. Magtago sa ilalim na matitibay na lamesa para maprotektahan kayo sa mga bumabagsak na bagay.
  2. Patayin lahat ng heater at lutuan, patayin ang tank gas.
  3. Kung may sunog, tumawag agad ng bumbero at humingi ng saklolo sa kapitbahay.Huwag magbakasakaling patayin ang sunog na nag-iisa.
  4. Huwag magmadaling lumabas, baka kayo ay masaktan sa mga bumabagsak ng bagay.
  5. Mas mabuting magpunta sa eskuwelahan o parke para sa inyong kaligtasan, huwag magpunta sa mga lubak-lubak na lupa, makikitid na lugar at tabing ilog.
  6. Siguraduhin nasa ligtas na kapaligiran, para handa sa susunod na pagdating ng lindol (aftershock).
  7. Huwag sumakay sa sasakyan kung nais ninyong tumakas, huminto sa gilid ng daan. Huwag isara ang sasakyan at iwanan ang susi sa loob ng sasakyan.
  8. Ang lugar na emergency ay ang mga eskuwelahan o junior high school, laging maging handa sa mga ligtas na lugar.
  9. Makinig sa tamang impormasyon sa radio at telebisyon.
  10. Ang linya ng telepono ay masyadong magiging abala at kung hindi kinakailangan, huwag gumamit ng telepono.

Pagpapadala ng e-mail

I papa-abot namin ang mga mahahalagang impormasyon. Sa pamamagitan ng e-mail. Walang bayad ang pag rehistro.

SUKAT NG LAKAS NG PAGLINDOL…… SUKAT NG PAGYANIG

At ang intensity ng may 4 o higit pa ay puwedeng bumagsak ang mga bagay, at dapat na kumilos na ng mga tao para sa kanilang kaligtasan.

SHINDO
INTENSITY (Lakas ng paglindol)
Kalagayan
SHINDO 0 Hindi mararamdaman ang pagyanig.
SHINDO 1 Ilan lang sa mga nasa loob ay makakaramdan ng kaunting pagyanig.
SHINDO 2 Maraming tao ang nasa loob na makakaramdan ng pagyanig.May ilan ang magigising sa pagyanig.
SHINDO 3 Halos lahat ng tao sa loob ay makakaramdam ng pagyanig.Ang iba ay matatakot.
SHINDO 4 Ang mga tao ay may kunting takot ,at ang iba ay kikilos na sa kanilang kaligtasanAng yanig ay makakagising ng halos lahat ng natutulog.
The tremor wakes up almost all people who were asleep.
SHINDO 5 jaku (lower end) Ang karamihan ay kikilos sa kanilang kaligtasan,at ang iba ay mahihirapan.
SHINDO 5 kyoo (higher end) Ang mga tao ay makakaramdam na ng sobrang takot, at karamihan ay mahihirapan ng kumilos.
SHINDO 6 jaku (lower end) It is difficult to stand.
SHINDO 6 kyoo (higher end) Mahihirapan ng tumayo
SHINDO 7 Ang mga tao ay nasa katayuan ng pagyanig at hindi na makagalaw ng gusto nila.
PAALALA: Ang Japan ay may original na sukatan ng lakas ng lindol hangang 10 grado na gawa ng meteorological agency

Chino City Hall

  • Phone
  • 0266-72-2101

  • Fax
  • 0266-72-9040