(2011.7.28 Update)

Paano ang magpakabit at magpahinto ng serbisyo ng tubig

  • Kung kayo ay lilipat o aalis na sa bahay, at magpapakabit o magpapahinto ng tubig na gagamitin ninyo. Kailangan ninyong makipag usap sa naglalagay ng tubo ng tubig.
  • Hindi po mapagbibigyan ang inyong kahilingan kung anong oras inyong gustong, magpakabit at magpahinto ng gagamiting tubig.
  • Hindi po kami makokontak tuwing Sabado, tuwing Linggo, Public Holidays, bago matapos ang taon at New-year holidays.
  • Ang pagpapahinto ng tubig (Chuushi-todoke)

    Kailangan puntahan ang Water Division (suido-ka) o kontakin sa telepono, kahit isang beses kung gusto na ninyong magpaputol o magpahinto ng serbisyo ng tubig. Kung mayroon pa kayong hindi nababayaran, kailangan bayaran lahat sa Water Division bago magpahinto sa serbisyo ng tubig.
    Mga kinakailangan

    •Customer no. (ilarawan ang inyong nagamit na tubig o bill ng tubig)

    •Tirahan (pangalan ng apartment at room no.)

    •Inyong pangalan

    •Ang araw ng pagpapahinto ng inyong serbisyo ng inyong tubig

    •Bagong tirahan

    •Ang telepono sa inyong bahay (Cellphone no.)

    Pagpapakabit ng tubig (kaishi-todoke)

    Kailangan puntahan ang Water Division (suido-ka) o kontakin sa telepono, kahit isang beses kung gusto na ninyong magpakabit ng tubig.
    Ang serbisyo ng tubig ay mag uumpisa na ikakabit kahit wala kayo Sa bahay.
    Puwede kayong magbayad sa pamamagitan ng automatic bank payment kung kayo ay mag iiba ng tirahan sa loob ng lungsod ng Chino. Sabihin lang po kami kung inyong gusto.
    Ang bayad sa pagpapatala ay 630 yen.
    Mga kailangan

    ・Tirahan (pangalan ng apartment at room no.)

    ・Inyong pangalan

    ・Ang araw ng pagpapakabit ng tubig

    ・Ang inyong telepono sa inyong bahay (cellphone no.)

    ・Pangalan ng pinagtatrabahuhan (pansamantalang pangalan ng ahensiya) at telepono.

    Kontakin

    Chino City
    Water Division (Suido-ka, Eigyoo-gakari)
    Telepono: 0266-72-2101 (lokal 662, 663, 664)

    Chino City Hall

    Phone

    0266-72-2101

    Fax

    0266-72-9040