(2010.4.1 Update)

Ang pamamaraan ng paglilinis at pag-impok ng snow sa siyudad ng Chino


Ang Chino city ay may mga tauhan na naglilinis at nagtutunaw ng snow upang mapanatiling may seguridad ang mga daan, lalo na sa pagmamaneho ng sasakyan ng mga mamamayan sa pang araw araw na pamumuhay.

Pag-aalis ng snow sa daan

Ang kabuuang haba ng arterial road mula sa lungsod ng Chino ay nag-aalis ng snow humigit kumulang ng 173km. Ang lungsod ng Chino ay may 28 pribadong kompanya na nag-aalis ng snow at may 40 snow removing cars na ginagamit. Malaking halaga ang nagagastos sa pag-alis ng snow, para lang hindi magambala ang mga mamamayan sa pagmamaneho at paglalakad sa daan.

Kahit na pinahahalagahan ng lungsod ng Chino ang pag-aalis ng snow sa daan, hindi pa rin naiiwasan ang mga ibang aksidente pag may snow, kaya kailangan ng kooperasyon ng mga mamamayan na nakatira sa siyudad ng Chino.

Ang oras o panahon na dapat ng magpala ng snow

Pag ang snow ay tumaas o dumami na sa higit sa 10cm., ito ay nakakaabala na sa pagmamaneho at traffic ng sasakyan.

Ang pagtunaw ng snow sa daan

Sa daan na bako bako at hindi nasisinagan ng araw (sa route o daan 50-59.2 km). Mayroon silang ibinubuhos sa daan (Enkaru) para matunaw ang snow. Mayroon 5 sasakyang nag- ooperate ng pagtunaw ng snow ngunit hindi sila nagsasabog ng Enkaru pag hindi makapal ang snow o depende sa kapal ng snow.

Ang pag park ng sasakyan sa daan ay nakakaabala sa pagtanggal ng snow

Sa mga makikitid o maliliit na daan. (ex. One way) ay makakaabala ang mga nakaparadang sasakyan dahil hindi makakadaan ang mga sasakyan na nagtatanggal ng snow. Baka magasgasan pa ang iyong sasakyan pag ito ay nasanggi ng sasakyan na nagtatanggal ng snow. Kaya kailangan ng inyong pang-unawa.

Ang pagtanggal ng snow sa daan at sa tapat ng inyong bahay

Kailangan palahin agad ang snow bago iyo dumami para hindi makaabala sa pagdaan ng sasakyan. Pag hindi agad naalis ang snow ito ay magiging problema ninyo lalo na sa tapat ng inyong bahay at paglabas ng inyong sasakyan.Kaya kailangan ang inyong pakikisama sa inyong mga kapitbahay.

Ang pagtanggal ng snow na malapit sa Fire Hydrant

Ang biglang pagdami ng snow ay natatabunan nag Fire hydranr at mahirap para sa mga bumbero na matagpuan kung nasaan ang lugar ng Fire hydrant. Ang mga bumbero ang may resposibilidad sa magtanggal ng snow sa Fire hydrant, pero minsan ay hindi nila mapanatiling bantayan o tanggalin ang snow doon, kaya kung may malapit na firev hydrant sa inyong bahay, kailangan ang inyong kooperasyon sa pagtanggal nito.

Ang lugar na may snow dump(tapunan ng snow)

Minsan hindi binubuksan ang snow dump pag-umuulan ng snow. Pag talagang malakas lamang ang snow, binubuksan ang snow dump sa siyudad ng Chino.

Huwag ilagay ang snow sa daan o sa river

Ang paglalagay ng snow sa daan ay nagiging resulta sa pagkakaroon ng aksidente at paglalagay ng snow sa kanal ay nagiging resulta ng pagtigas ng snow sa daan. Sana naman ay bigyan pansin ang mga bagay na ito.

Kung may mga iba pang katanungan o emergency ay tumawag sa:

Route 20

Kokudo-Koutsuushou Okaya-Iji-Shuuzen-Shuchôjo Tel:0266-23-5500

Land,Infrastructure and Transportation Ministry Okays maintenance and repair branch.

Prefectural road and National road (Route152, Route 299)

Suwa-Kensetsu-Jimusho Kanri-Keikaku-Ka Iji-Gakari Telephone:0266-53-6000

Suwa building office administrative plan division maintenance section

City road

Chino-Shiyakusho Kensetsu-Ka Iji-Gakari Tel:0266-72-2101(lokal 504)

Chino city hall Construction Division maintenance section

Ang snow dump na puwedeng pagtapunan na lugar

May 4 na snow dump na lugar na puwedeng gamitin sa lungsod ng Chino.Gamitin ang lugar na ito kung wala kayong mapagtapunan ng snow. Lagi ninyong tandaan na hindi puwedeng ilagay ang snow sa daan at sa kanal. Huwag ipaghalo ang snow at basura. Maraming salamat sa inyong kooperasyon.

Laging tandaan ang mga sumusunod:

・Huwag ilagay o isama ang snow sa basura at sa buhangin.

・Huwag ilagay ang snow sa daanan o pasukan ng sasakyan.

・Huwag kayong lalapit o papasok sa daan pagnakita ninyo ang sasakyan na nagtatanggal ng snow.

・Hindi kami responsable sa anumang aksidenteng mangyayari sa inyo sa lugar ng tapunan ng snow. Huwag magtatapon ng snow sa gabi.

4 na lugar na tapunan ng snow (snow dump)

・Kokusai skate center mae Kamigawa kasenjiki parking (diagram A)

(Sa parking lot ng Kamigawa dry riverbed sa harap ng international skate center)

・Chino uehara Asano namakon mae Kamigawa kasenjiki (diagram B)

(Kamigawa dry riverbed sa harap ng Asano ready-mixed concrete, Uehara Chino)

・Honmachi higashi chuohoikuen Kamigawa kasenjiki (diagram C)

(Kamigawa dry river sa harap ng Hon-machi higashi central nursery school)

・Undou kouen oohashikami kasenjiki (diagram D)

(Kamigawa dry riverbed malapit s sports Park Bridge)

Maraming salamat sa inyong kooperasyon sa lugar na may snow!

・Alisin ang snow sa inyong daaan o sa paligid ng bahay

・Kung maaari na maglagay na ng chain sa gulong ng inyong sasakyan hanggat maaga.

・Laging tandaan na ang daan na may snow ay madulas.

(Ang pagmamaneho ng mabilis, pagliko, at biglang pag brake ng sasakyan, ay mapanganib na nagdudulot ng aksidente )

・Ang pag paparada ng sasakyan sa kalye ay makakagambala sa pagdaan ng sasakyan.

(Pipilitin naming na maalis ang snow, bago kayo lumabas sa daan patungo sa inyong pupuntahan. Sana naman maintindihan ninyo ang pamamaraan o operasyon ng paglilinis at pagtutunaw ng snow sa siyudad ng Chino.)



Chino City Hall

Telepono

0266-72-2101

Fax

0266-72-9040